Hindi na idinetalye pa ng Bureau of Customs kung sino ang sender at consignee sa likod ng nasamsam ng mga otoridad na P2.7 milyong halaga ng US dollar bills na tinago sa loob ng iba’t ibang magazines.
Sa inilabas na pahayag ng BOC, idineklara umano ang shipment bilang “Chinese Cook Book Recipes” na dumating mula Hong Kong noong May 25, 2020.
Subalit noong Hunyo 5 ay nabatid ng mga ito na naglalaman ang shipment ng $54,215 halaga ng banknotes na isiningit sa mga pahina ng pitong magazines.
Naglalaman ito ng 510 piraso ng $100 bills, dalawang $50 bills, apat na $20 bills, $10 bill at limang $5 bills.
Sa ngayon ay naglabas ng ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) si District Collector Ruby Alameda dahil sa paglabag ng Customers Modernization and Tariff Act (CMTA).