
Naglaan ng P2.5 billion na pondo para sa programa ng pamahalaan na libreng Wi-fi para sa susunod na taon.
Ang naturang halaga ay gagamitin para suportahan ang Free Internet Wi-Fi Connectivity sa mga pampublikong lugar at state universities and colleges (SUCs).
Sa naturang programa, target na makapaglagay ng libreng wifi sa karagdagang 50,000 sites sa 82 probinsiya sa bansa.
Bahagyang mas mataas naman ang pondong ito sa ilalim ng Department of Information and Communication Technology (DICT) kumpara sa alokasyon para sa P2.3 billion na Integrated Livelihood Program ng Department of Labor and Employment’s (DOLE) mula sa 2024 national expenditures program.
Una ng sinabi ni PBBM na naglaan ang pamahalaan ng P9.9 billion sa DICT para gawing future ready ang bansa sa pamamagitan ng digitalisasyon.









