Pumalo sa mahigit P2.5 million halaga ng pinsala ang iniwan ng sunog sa isang residential area sa Road 10, Barangay 105, Tondo, Maynila, kahapon ng tanghali.
Tinatayang nasa 1,000 pamilya ang naapektuhan matapos mawalan ng tirahan.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), siyam na establishimento ang nasunog, na nag simula sa isang unit.
Mabilis na kumalat ang apoy dahilan para umabot ito sa ika-limang alarma na tumagal naman ng halos dalawang oras.
Samantala, bandang ala-1:33 ng hapon nang itaas ito sa Task Force Bravo.
Gumamit naman ng 40 fire trucks at daan-daang mga firefighters ang nag tulong-tulong sa pag apula ng apoy.
Bandang alas-6:20 ng gabi nang ideklarang under control ang sunog.
Batay sa ulat ng BFP nasa pitong indibidwal ang nagtamo ng minor injuries na kaagad namang nilapatan ng kaukulang medical attention. (JOHN FLORES)