-- Advertisements --
agarwood

Naharang ng Bureau of Customs (BoC) Port of NAIA katuwang ang Environment Protection Compliance Division (EPCD) ng BoC ang tatlong 28 kilong Agarwood na may estimated street value na P2,400,000 sa Fedex warehouse sa Pasay City.

Ang agarwood na ginagamit na sangkap sa paggawa ng mga pabango ay ang pinakamahal na kahoy sa buong mundo.

Pero mayroon itong “Appendix 2” classification ng Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Flora and Fauna (CITES) dahil bihira na lamang itong makita sa mga kagubatan.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang pagbebenta ng agarwood o lapnisan ay iligal sa Pilipinas.

Ito ay matatagpuan sa mga kagubatan ng Mindanao at Visayas.

Sinasabing ang mga foreigners ang siyang naghahanap sa mga ito sa remote villages sa bansa sa tulong ng mga nasa baryo.

Sa mga lumabas na report, ang isang kilo ng agarwood ay nagkakahalaga ng P750,000.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad misdeclared umano ang bagahe na facemasks, mga damit, sapatos, hand bags, leather jackets at mga pantalon.

Ito ay ipinadala ng isang residente sa Davao at ipapadala sa United Arab Emirates (UAE).

Agad itong kinumpiska dahil sa paglabag sa Section 117 (Regulated Shipments), Section 1400 (Misdeclaration) at Section 1113 (Property Subject to Seizure and Forfeiture), Republic Act No. 10863 (CMTA) na may kaugnayan sa Section 27 (i) (Illegal Transport) ng Republic Act No. 9147 (Wild Life Act).