-- Advertisements --

Sa pamahalaan mapupunta ang P19 million na ipinataw na multa sa Meralco dahil sa tinatawag na “bill-shock”, ayon sa Energy Regulatory Commission (ERC).

Paglilinaw ito ni ERC Chairperson Agnes Devanadera sa gitna ng pagdinig sa kanilang 2021 budget.

Ayon kay Devanadera, hindi mapupunta sa komisyon kundi direktang mapupunta sa National Treasury ang ilang milyong multa sa Meralco.

Iginiit ng opisyal “collecting agency” lamang ang ERC kaya walang perang mapupunta o maiiwan sa kanilang pangangalaga.

Samantala, sinabi ni Devanadera na hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring dinidinig ng ERC ang nasa 50,000 reklamo ng mga consumers laban sa Meralco.