Tinanggap kahapon ng Armed Forces of The Philippines (AFP) ang 183 milyong pisong halaga ng gamit pandigma mula sa Joint US Military Assistance Group – Philippines (JUSMAG).
Kasama sa mga gamit na idineliber sa pamamagitan ng isang US military KC-10 Extender na lumapag sa Clark Airbase, Pampanga, ang siyam na M3P .50 caliber heavy machine guns, 10 mortar tubes at iba pang counter-terrorism at maritime equipment.
Ang mga kagamitan ay binili ng Pilipinas sa tulong ng US grant assistance.
Ayon kay JUSMAG-Philippines Chief at Senior Defense Official to the Philippines Col. Stephen Ma, patuloy na susuportahan ng Estados Unidos ang mga pangangailangang pang depensa ng Pilipinas bilang “cornerstone” ng isang malaya at mapayapang rehiyon.
Ang Pilipinas ang may pinakamalaki sa rehiyon na natanggap na tulong pandepensa sa Estados Unidos, na umaabot sa mahigit Php48.6 billion ($1 billion) mula 2015.
Ngayong taon Ipagdiriwang ang Ika-70 anibersayo ng pagkakatatag ng Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.