Nasa mahigit P17.5 milyong halaga ng iligal na droga ang nasabat ng mga tauhan ng Caloocan Drug Enforcement Unit mula sa tatlong drug suspeks na nahuli sa isinagawang buy bust operations sa Barangay Tala, Caloocan City.
Kinilala ni Philippine National Police chief, General Debold Sinas ang mga inarestong suspek na sina Jospehine Rada, 59; Mae Jane Rada, 23; at Bon Joni, 25.
Ayon kay Sinas, batay sa reports ang nasabing operasyon ay nagmula sa isang impormasyon kaugnay sa mga drug activity ng mga suspek na matapos makumpirma ay agad nagsagawa ng buy bust ang National Capital Region Police Office at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Nakuha sa posisyon ng mga suspek ang bulto-bultong iligal na droga na nakasilid sa foil packaging na may brand markings na Guanyinwang refined Chinese tea.
Tinatayang 2,575 grams na iligal na droga ang nakumpiska na may market value na P17,510,000.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng PNP ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165.
Siniguro ng outgoing PNP chief na magpapatuloy at kanila pang paiigtingin ang joint anti-illegal drugs operation kasama ang PDEA.