CEBU CITY – Aabot sa P150 milyon na value ng shabu ang nakumpiskas ng pinagsanib na pwersa ng Lapu-Lapu City PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-7) sa Barangay Suba Basbas lungsod sa Lapu-Lapu, Cebu kahapon.
Nadakip sa nasabing operation ang isang High-Value Individual (HVI) na kinilala nga mga otoridad na si Gilbert Lumanog sa lungsod ng Pinamungahan sa Cebu.
Nakuha galing sa suspek ang 22 na kilo ng pinapaniwala-an na shabu na nakasilid pa sa yellow foil.
Sinusuri pa ngayun PNP Crime Laboratory kung anung grade ang nakuha na shabu.
Personal itong sinaksihan ni Police Regional Office (PRO-7) Director PBGen Albert Ignatius Ferro at si Lapu-Lapu City Mayor Junard “Ahong” Chan ang nasabing operasyon.
Labis ang pasasalamat ni Mayor Chan sa mga pulis at operatiba ng PDEA-7 sa matagumpay na operasyon laban sa illegal drugs industry
Ini-imbestigahan ngayun ng mga otoridad ang posibleng koneksyon ng suspek ang pinanggalingan ng mga iligal na drugas.