Agad na ipinag-utos ni Speaker Martin Romualdez ang pag release sa P150 million tulong pinansiyal ng Marcos administration para sa mga biktima ng pagbaha sa Davao region.
Nagsanib pwersa naman ang DSWD at Tingog Partylist sa pagpapadala ng 51,000 food packs sa mga apektadong lugar.
Bukod sa DSWD, sa pamamagitan ng Office of the Speaker at Tingog Partylist Rep. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre nagpadala din ng 21,000 food packs mula sa kanilang personal “calamity funds.”
Ayon kay Speaker Romualdez, ang nasabing hakbang ay para matiyak na ang mga kababayan natin sa Davao region na ang administrasyon ni Pang. Ferdinand Marcos ay handang tumulong at umalalay sa mga kababayan natin na apektado ng sakuna.
Panalangin naman ng lider ng Kamara na ligtas ang mga kababayan natin sa Davao Oriental.
Siniguro ni Romualdez na hindi makaka apekto ang isyung pulitika sa kanilang hangarin bigyang tulong ang mga nangangailangan at magpapatuloy sila sa kanilang trabaho at mandato.
Ang nasabing P150 million financial aid ay mangagaling sa DSWD sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation.
Ang release ng pondo ay sa pamamagitan ng congressional districts ng mga mambabatas sa Davao at sa local government executives.