-- Advertisements --

Tinatayang P150,000 halaga ng mga smuggled na carnivorous plants ang nakumpiska sa isang bodega sa lungsod ng Pasay.

Kasama ng Bureau of Customs (BOC) ang mga kawani ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa nasabing operasyon.

BOC

Lumabas sa pagsisiyasat ng mga otoridad na walang anumang sanitary at phytosanitary import clearance at permit mula sa DENR ang naturang mga halaman.

Kinabibilangan ito ng Drosera, Nepenthes, Dionaea, Sarracenia, Pinguilcula at Cephalotus.

Itinuturing ng DENR ang mga nabanggit na halaman bilang “critically endangered” at kabilang sa most endangered sa buong mundo.