-- Advertisements --

Naglaan ng alokasyon ang Department of Budget and Management ng 15.2 billion pesos para mapalakas ang kasanayan ng mga kabataan at mapataas ang antas ng labor work force sa Bansa.

Ayon Kay DBM secretary Amenah Pangandaman, ang hakbang ay alinsunod na rin sa mithiin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na mabigyan ng comprehensive training and education Ang MGA kabataan sa gitna ng tumataas na qualifications sa Filipino workforce.

Sinabi ni Pangandaman na Ang pagtatabi ng naturang budget allocation para sa 2024 ay magsisilbing investment o puhunan ng pamahalaan para sa human capital development.

Bukod Dito ay popondohan din ng DBM ang P3.4 billion pesos ang Free Technical-Vocational Education and Training initiative ng TESDA na kung saan, tinatayang 38,179 enrollees at 10,126 graduates ang makikinabang.

Mayruon ding 200 million pesos na education assistance ang popondohan ng DBM sa ilalim ng Private Educational Student Financial Assistance program na magbibigay ng training fees and allowances para sa may 9,708 na mga estudyante at 8,737 graduates.