-- Advertisements --
20210303 135024

Mahigit P131 ang halaga ng mga kontrabandong nasabat ng Bureau of Custom (BoC) sa Bataan.

Kasama dito ang P84 million na halaga ng mga makinang ginagamit sa paggawa ng mga sigarilyo at 1,262 master cases ng mga counterfeit cigarettes na nagkakahalaga ng P47 million.

Ang mga brand ng sigarilyo ay More, Two Moon, Seven Star, Winston, Fort, Mighty at Marvels.

Una rito, sa pamamagitan ng letter of authority (LOA) na pirmado ni Customs Commissioner Rey Guerrero ay nagsagawa ng inspection ang BoC- Enforcement and Security Service (ESS) at sa tulong na rin Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Philippine National Police (PNP) sa dalawang storage facilities sa bataan at dito na nadiskubre ang mga illegal goods.

Agad namang ibiniyahe sa BoC facility sa Maynila ang mga nasabat na kontrabando para sa inventory at imbestigasyon sa posibleng pagsasampa ng kaso dahil sa paglabag sa RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).