-- Advertisements --
Arestado ng mga sakop ng Philippine Drug Enforcement Agency-7 at Dumaguete police ang 2 katao sa isinagawang buybust operation kagabi sa Purok Sunflower, Brgy. Calindagan, Dumaguete City, Negros Oriental.
Kinilala ang mga naaresto na si Crisanto Ang Sayre, 40 anyos at Rosemarie Ang Sayre, 59 years old, parehong residente ng nasbaing lugar.
Nakumpiska mula sa mga naaresto ang 11 pakete ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng aabot sa Php 12, 240 at ang buy-bust money.
Nahaharap ngayon ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.