Aabot sa P121 million halaga ng smuggled na sigarilyo ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa Subic Bay Freeport.
Ayon sa BOC, apat na 40-footer containers mula China at Hong Kong ang kanilang kinumpiska noong Agosto 22 na sinasabing naglalaman umano ng cinnamon bread, frozen pinapple pocket bread, “Snake and Ladder” boar games, “Dominos” board games, at rubber strips..
Pero matapos itong inspeksyunin, nakita ng mga otoridad na naglalaman pala ang mga ito ng iba’t ibang brand ng sigarilyo.
Ayon kay BOC Port of Subic District Collector Maritess Martin, gumagawa na ng iba’t ibang isilo ang mga sindikato upang sa gayon ay makapagpuslit ng mga smuggled goods sa bansa.
Ito aniya ang unang pagkakataon kung saan nakakumpiska ang BOC ng smuggled na mga sigarilyo na ikinubli sa isang refrigirated container van.
Kasunod ng insidenteng ito, ipinag-utos na ng BOC ang paglalabas ng warrant of seizure at detention ng naturang mga shipments habang sasampahan na rin ng kaso ang mga smugglers na ito.