Nakuha ng mga construction worker ang P11.4 milyon na umano’y shabu habang sinisira nila ang kusina ng isang lumang restaurant sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.
Tatlong malalaking pakete sa isang grease trap ang nakita umano ng mga manggagawa.
Inilabas nila ang mga pakete at nagulat ang mga ito nang makitang naglalaman ito ng umano’y shabu.
Discolored naman na ang pakete dahil sa tagal na na nasa grease trap.
Ipinatawag sa pinangyarihan ang mga opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police-Aviation Security Group.
Sa tantiya ng PDEA, mahigit 1.5 kilo ang kabuuang bigat ng tatlong pakete.
Samantala, wala pang komento ang Manila International Airport Authority kung paano napunta sa airport ang umano’y droga.