Naglaan ang Parañaque local government units ng nasa P100 million pondo para sa pagbili ng new generation COVID-19 vaccines.
Ayon kay Parañaque Mayor Eric Olivarez, nakatakdang bumili ang lokal na pamahalaan sa unang bahagi ng susunod na taon ng bivalent covid-19 vacines na napaulat na nagbibigay ng karagdagang proteksiyon laban sa bagong Omicron subvariants na XBB at XBC.
Ipinunto ng alkalde na ang pagbili nila ng second generation vaccines ay kailangan sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng covid-19 sa mga fully vaccinated at boosted na.
Ipinag-utos na ng lokal na ehekutibo sa kanilang treasurer ang paghahanda ng pondo para sa pagbili ng naturang bakuna.
Una ng binigyang diin ni Go Negosyo founder Joey Concepcion ang kahalagahan ng pagdadala sa bansa ng bivalent covid-19 vaccines para ma-sustain ang economic recovery kasabay ng pagsibol ng bagong mga variants ng Omicron.
Inihayag naman ni infectious disease expert Rontgene Solante ang posibilidad na mayroong mga hindi pa nadedetect na kaso ng Omicron subvariant XBB cases sa bansa na pinaniniwalaang highly immune eveasive kumpara sa BA.5 na itinuturing na dominant subvariant ng Omicron sa buong mundo.
Sa ngayon mayroon ng 81 pasyente na dinapuan ng Omicron subvariant XBB at 193 cases naman ng XBC subvariant sa bansa