-- Advertisements --
Naibigay na ni San Jose Del Monte City, Bulacan sa pulisya ang ipinangako nitong P100,000 na pabuya sa makakapagturo sa mga suspect sa pagpaslang sa dalawang bata kamakailan sa Barangay Graceville sa naturang lungsod.
Sinabi ni Mayor Robes na ang PNP na ang bahala na mag-abot ng naturang pabuya sa nakatulong para maresolba ang karumaldumal na krimen.
Nagpapasalamat naman ang alkalde dahil kaagad na nabigyan ng katarungan ang pagpaslang sa isang walong taong gulang na batang lalaki at 11-anyos na babae na ginahasa muna bago pinatay,
Magugunitang natagpuan ang bangkay ng mga biktima sa bakanteng lote ng Barangay Graceville noong Mayo 12 bago magtanghali makalipas ang isang araw matapos mawala ang mga ito.