Reading Time: 1 minute

ILOILO CITY – Magbibigay ng reward money si Pavia, Iloilo Mayor Luigi Gorriceta para sa makakapagturo sa suspek na brutal na pumatay sa assistant branch manager ng isang fast food sa kanilang bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Major Fernand Limbungan, hepe ng Pavia Municipal Police Station, sinabi nito na P100,000 ang pabuya ni Mayor Gorriceta sa makakapagbigay alam ng identity at pinagtataguan ng suspek.

Una nang kinilala ang biktima na si Eira Jane Fabiaña, 22, branch manager ng Jollibee sa GT Mall sa Pavia.

Samantala, kinumpirma ng hepe na sa inilabas na resulta ng autopsy examination, nagtamo ng anim na sugat ang biktima na siyang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Nilinaw naman ng hepe na hindi ginahasa ang biktima, at posibleng pinagtangkaan lang ito.

Naniniwala rin ang mga otoridad na walang forcible entry sa bahay ng biktima dahil walang bakas ng paa ng suspek at hindi man lang kumahol ang aso bago mangyari ang krimen.