BUTUAN CITY – Inihandan na ang mga kasong paglabag sa Art II Sections 6, 11 at 12 sa RA 9165 laban sa mag-aaral na nakuhanan ng pinaniniwalaang shabu ikinasang anti-illegal drugs operation alas-10:55 kagabi sa P-2 Brgy. 12, Cabadbaran City, Agusan del Norte.

Isinagawa ng Cabadbaran City Police Station ng operasyon matapos na makakuha ng search warrant mula kay Judge Emmanuel E. Escatron, Presiding Judge ng RTC Branch 2, Libertad, Butuan City.

Arestado si Jonathan Cailing Sarusad alyas Gio, 23-anyos, binata, estudyante.

Si Sarusad ay itinuturing bilang Top High Value Target Personality sa Agusan del Norte.

Sa ikinasang anti-illegal drugs operation, nakuha mula kay Sarusad ang 14 na heat sealed transparent plastic sachets na may lamang pinaniniwalaang sahbu na may bigat na 8.5 gramo at sinasabing nagkakahalaga ng P100,300.00.