-- Advertisements --
Aprubado na sa Senado ang panukalang pondo para sa taong 2024 ng Office of the President.
Sa ginanap na pagdinig ngayong araw ay inaprubahan na ng Senate Finance committee ang nasa Php10.707-billion na halaga ng 2024 proposed budget ng Office of the President sa loob lamang ng 20 minuto.
Ito ay nang walang senador ang kumuwestiyon kay Executive Secretary Lucas Bersamin na siyang kumatawan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. pahinggil sa naturang panukalang pondo para sa fiscal year 2024.
Matatandaan na ang naturang hiling na alokasyon ng pondo para sa Office of the President ay mas mataas kumpara sa Php8.9-bilyon na pondo nito para ngayong taong 2023