DAVAO CITY – Aabot sa 2,050 na ream ng smuggled cigarettes ang naharang ng mga personahe ng Task Force Davao at Davao City Police Office mula sa apat na cargo delivery crew sa AFP-PNP Border Control Point sa Sirawan, Toril, Davao City kaninang madaling araw.
Kinilala ng mga otoridad ang mga suspek na sila si Arturo T. Albania, 55-anyos; Glen M. Lumapas, 46-anyos; Alvin John C. Elorcha, 27-anyos; at Nolven S. Reponte, 31-anyos na parehong mga residente ng Sinawilan, Matanao, Davao Del Sur, sakay ng isang White Isuzu Forward Truck.
Ang naharang na mga smuggled na sigarilyo ang may estimated na halagang aabot sa P1,025,000.
Habang ang mga suspek at mga ebidensiya ang nasa kustodiya na ngayon ng Toril Police Station para sa pagsasampa ng kaso na may kinalaman sa paglabag sa RA No. 4712, o an Act Amending Certain Sections of Tariff and Customs Code of the Philippines.
Kinilala naman ni Task Force Davao Commander Colonel Darren E. Comia ang tropa dahil sa kanilang pagsusumikap at pagiging totoo sa kanilang gampanin sa lahat ng panahon.
Nagpaalala na lamang ang kumander sa publiko na ang nangungunang mandato ng Task Force Davao ay ang pagsumpo ng terorismo, ngunit gampanin rin nila ang pagbabantay sa mga illegal na kontrabando na balak ipasok sa Davao City.