manila1

Arestado ang tatlong drug suspeks sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Police Station -2 Station Drug Enforcement Unit, Manila Police District sa may bahagi ng Malaya Street, Barangay 124 Zone 10, Tondo, Manila.

Kinilala ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang tatlong naarestong drug suspek na sina: Anna Loivina De Leon alias Anna,38-years old; Atilano Layosa alias Raprap,37-anyos at Cristina Lim, 38-anyos.

Narekober sa posisyon ng mga suspeks ang nasa 150 grams na shabu na nagkakahalaga ng P1,020,000 at isang 45 caliber pistol.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 ang kahaharapin ng mga suspeks.

” Intensified anti-illegal drugs operation will continue under my watch, we will strenghten our strategies thru clustering system against illegal drug syndicates in the country,” pahayag ni Eleazar.

Una ng sinabi ni PNP chief na mag magiging agresibo ang kanilang anti-illegal drug campaign.