-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nakumpiska ng magkakaibang units ng Police Regional Office-10 ang higit isang milyong piso na halaga ng pinaniwalaang shabu mula sa mga target suspected drug pushing personalities na nakabase sa urbanized cities at mga bayan na sakop ng Northern Mindanao region.

Ito ay matapos ipinag-utos ni PRO-10 regional director Brig Gen Rolando Anduyan ang pagsagawa ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) laban sa lahat ng illegal activities na nasangkot ang halos 100 suspected criminal individuals.

Inihayag ni Anduyan na ang pagkaaresto ng mga ito ay epekto rin sa aktibong suporta ng local government units at ibang tanggapan ng gobyerno sa kanilang police lower units para mas mapadali ang implementasyon ng programa.

Sa nasabing operasyon ay naipatupad ng pulisya ang 34 na search at anti-illegal drug operations dahilan kaya naaresto ang suspected criminal personalities.

Nakumpiska mula sa mga ito ang halos 160 gramo ng pinaghihinalaang shabu at mga dahon ng mga marijuana habang 49 assorted na mga baril, walong granada at mga bala.

Naaresto rin ang suspected wanted persons na mayroong pending criminal cases sa magkaibang korte sa rehiyon.

Kakaharapin ng mga naaresto ang paglabag sa mga batas ng illegal possession of firearms, illegal possession of explosives at paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.