Inirekominda ni House Committee on Ways and Means chairman Joey Sarte Salceda na bigyan ng P1,000 emergency cash assistance ang lahat ng middle-income earners sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Salceda na Marso 19 pa niya inirekominda sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang Universal Basic Income (UBI) approach na ito, at Marso 25 naman ipinadala ang liham ukol dito kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kanyang tantya, mangangailangan ng humigit kumulang P200 billion para sa hakbang na ito.
Ayon kay Salceda, ibinatay niya ang rekomendasyon na ito sa kanyang pag-aaral sa welfare system ng ibang bansa katulad na lamang ng COVID-19 subsidy ng Estados Unidos.sa
Sa kanyang liham kay Pangulong Duterte, sinabi ni Salceda na pabor para sa pamahalaan ang UBI approach dahil magiging madali ang accountability pati na rin ang pagpili sa magiging benepisyaro nito.
Nauna nang ipinatupad ang emergency subsidy program para sa mga low-income families na apektado ng COVID-19 pandemic.
Ang 18 million na pamilyang ito ay tatanggap ng P5,000 hanggang P8,000 sa loob ng dalawang buwan,