Aabot sa P1 billion halaga ng shabu ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong araw lang sa isang warehouse sa Malabon City.

Ayon sa PDEA, 146 kilo ng shabu ang kanilang nakumpiska sa Goldwin Commercial Warehouse.

Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino, sa Cambodia nanggaling ang nasamsam na kilo-kilong shabu at bahagi raw ng operasyon ng Golden Triangle drugs syndicate.

Konektado aniya ito sa mga operasyon na isinagawa kamakailan ng PDEA sa Cavite.