-- Advertisements --
Naglaan ng P1.64 billion na pondo ang Commission on Elections (Comeec) para sa pagbili ng transmission system para sa automated midterm elections sa 2025.
Kabilang sa paglalaanan ng pondo ay ang pagbibigay ng data centers and connectivity requirements para sa automated election system servers.
Kaugnay nito, inimbitahan ng Comelec ang mga posibleng bidder para sa proyekto na gagamitin para sa transmit election results gamit ang telecommunication networks.
Nag deadline para sa pagsusumite ng bids ay sa Pebrero 14, 9am at ang pagbubukas ng bids ay sa araw ding iyon.
Una na ngang napaulat na nagpasya ang komisyon na ihiwalay ang Full Automation System with Transparency Audit/Count or FASTrAC project mula sa transmission system for the 2025 polls.