Cebu City – Tinatayang aabot sa P1.5 million ang danyos mula sa sunog na sumiklab sa Block 3 Sto NiƱo Brgy. Suba lungsod ng Cebu kagabi.

Alas-7:00 na ng gabi nang makatanggap ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng tawag hinggil sa naturang sunog na naapula dakong alas-8:53.

Aabot sa 259 na mga bahay ang natupok ng apoy kung saan apektado ang 603 pamilya.

Ayon sa isa sa mga biktima na si Mark Dave Abala, napakabilis nang pangyayari.

Nang may magsigawan aniya na mayroon nang sunog, dali-dali siyang lumabas at doon nakita na nilalamon na ng apoy ang likod ng kanilang bahay.

Posible aniyang nagsimula ang sunog sa bahay ng isa sa mga drug user sa kanilang lugar.

Naigng pahirapan naman ang pagpasok ng mga bombero sa lugar dahil sa mga nakaharang na mga pedicab, e-bike at mesa sa daan.

Naging pahirap din sa kanila ang malakas ang hangin dahil malapit sa dagat ang naturang lugar.

Sa ngayon ay patuloy pa ring beniberipika ang dahilan nang naturang sunog.

Wala namang naiulat na nasaktan o namatay sa nasabing insidente.

Samantala, nasa Sports Center ng Brgy. Pasil at Brgy. Suba nitong lungsod ang mga fire evictims kung saan agad naman silang tinulungan ng Department of Social Welfare and Services (DSWS).