-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mayroong nakahandang stockpiles at standby funds na nagkakahalaga ng mahigit P1.4 billion para matulungan ang mga apektado ng bagyong Amang .

Nakahanda din ang quick response teams mula sa central at field offices ng DSWD para maideploy sa mga apektadong lokal na pamahalaan upang maibsan ang epekto ng dating bagyo na humina na sa low pressure area.

Mayroon ding naka-preposition na pagkain, non-food items at iba pang mga suplay sa disaster-prone areas para sa agarang pagresponde.

Naatasan na rin ang field offices na siguruhing nakahanda ang mga suplay na ipapamahagi sa mga apektadong lugar.

Patuloy naman ang repacking at pagkakanda ng family food packs ng National Resource and Logistics Management Bureau at concerned field offices para magarantiya na mayroong tuluy-tuloy na suplay ng relief goods sa mga apektado ng kalamidad.