Aabot sa P1.4-trillion ang nakatakdang utangin ng pamahalaan sa susunod na taon para mapondohan ang mga programa ng Duterte administration.

Ito ang nakasaad sa isinumiteng budget message ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kamara.

Nakasaad sa nasabing mensahe na magkakaroon ng 75:25 na mix policy borrowing sa gagawing paghiram ng pondo.

Sa ilalim nito, 75-percent o P1.047-trillion ng uutangin na gobyerno ay mula sa bangko sa bansa, habang ang natitirang 25-percent o P353.2-billion ay manggagalin sa mga bangko ng ibang estado.

Ayon kay Duterte, magsisilbing pampuno sa deficit ng P4.1-trillion proposed national budget ang uutangin na P677.6-bilyong nakapaloob sa nasabing kabuuang halaga.