Ibinida ng Philippine National Police ang mga bagong kagamitan kanilang nabili para sa kanilang iba’t-ibang mga operasyon.
Ngayong araw ay pinangunahan ni PNP chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. ang presentation at blessing ng kanilang bagong kagamitan kabilang na ang mga sumusunod:
– 326 units ng light motorcycle na 150cc
– 200 units ng personnel carrier
– 9,544 units ng 9mm striker fired pistol
– 4,033 units ng basic assault riffle
– 2 brand news high speed tactical watercraft
– at 221 handheld radio
Ang naturang mga kagamitan ay mayroong katumbas na halaga na Php1.2 billion na dumaan naman sa masusing procurement ng PNP Logistics Office.
Ayon kay Azurin, ang mga ito ay gagamitin ng buong hanay ng pulisya para palakasin pa ang kanilang pwersa upang bigyang proteksyon ang buong mamamayang Pilipino.
Samantala, nakatakda namang ipamahagi ang mga bagong kagamitan na ito sa mga Police Regional Office sa iba’t-ibang bahagi ng bansa upang agad na magamit ang mga ito sa kanilang mga misyon at operasyon.