-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Canadian Embassy sa Maynila na inaprubahan ng Canada ang kabuuang P1.1 billion para sa development assistance para suportahan ang mga programa ng Pilipinas.
Kung saan kabilang sa popondohan ang health care, disaster resilience, at climate adaptation efforts sa bansa.
Kasama din dito ang panibagong commitment na 12.5 million Canadian dollar para sa disaster resilience, liban pa ito sa CAD15 million na nauna ng inanunsiyo ni Canadian Development Minister Ahmed Hussen nang bumisita siya sa bansa noong Enero.
Karagdagang CAD650,000 ang inilaan para sa monitoring at evaluation saklaw ang 3 inisyatibo.