LA UNION – Posibleng sa susunod na quarter ng taon ay ipapatupad na ang karagdagang pamasahe sa jeep sa Region 1.

Ito ang napag-alaman ng kay Land Transportation Frandchansing & Regulatory Board (LTFRB) Region 1 Director Nasrudin Talipasan sa pakikipagpanayam sa Bombo Radyo La Union .

Inaasahan na magiging P9 pesos na ang minimum fare sa Region 1 sa mga pampublikong jeep.

Ayon kay Talipasan, inaantay na lamang ang desisyon ng Central Office kaugnay ng karagdagang fare increase.

Sinabi nito, na marapat lamang ang fare increase dahil sa tumataas na rin ang presyo ng ilang bilihin.

-- Advertisement --