-- Advertisements --
image 9

Umaasa ngayon ang P-pop group SB19 na magiging successful ang second leg ng kanilang Where You At tour na gaganapin mamayang gabi, October 1,sa Waterfront hotel nitong lungsod ng Cebu.

Binalikan pa nito ang unang leg ng kanilang concert sa Maynila at sinasabing malaki ang pasasalamat nila sa mga fans at supporters lalo pa’t sold out ito at umaasang patuloy pa rin silang susuportahan sa darating pa nilang mga concert.

Sa pagharap sa media kahapon nina Stell, Josh, Ken, Pablo, at Justin, ibinahagi nilang ‘excited’ na silang magperform at ipakita ang kanilang ‘best’ performance mamaya.

Sinabi naman ni Josh na ngayong tour pa umano ang pinakamalaking pinaghahandaan nila at nagpapasalamat na natuwa ang mga A’Tin maging ang mga casual. Gaya ng ibang miyembro, umaasa rin itong magiging successful ang tour.

“Hopefully, tulad ng nangyari sa Manila nunung nagsold out ang kickoff concert namin..hopefully lahat ng volunteers namin all over the world or let’s say from Philippines muna, ma sold out din po.

May mga dapat pa umanong abangan at asahan ang mga fans sa concert na ‘to na ibang-iba sa dati dahil nagkaroon ng mga improvements sa tunog, instrumentals, choreography at iba pa.

Siniguro naman ng mga ito na i-level up pa nila ang bawat performance.