Nagbalik ang pulso ni Philippine National Police (PNP) Director for Comptrollership Maj. Gen. Jovic Ramos, matapos itong i-resuscitate ng mga doktor nitong Sabado ng hapon.

Ang opisyal ay una nang na-comatose sa nakalipas na dalawang araw, dahil sa matinding head injury.

Si Ramos ay nagtamo ng pinakamalaking pinsala sa pagbagsak ng chopper sa Laguna noong Huwebes.

Kasama niya sa byahe si PNP chief Gen. Archie Gamboa at ilan pang opisyal ng pulisya nang mangyari ang aksidente.

Samantala, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa pagbagsak ng chopper, kung saan may binuo nang special task group na mangunguna sa bagay na ito.