-- Advertisements --
Ibinunyag ng rock icon na si Ozzy Osbourne na mayroon siyang dinaranas sa kaniyang kalusugan.
Sinabi nito na magiging masaya siya kapag makapatanghal muna ito sa harap ng fans bago mamatay.
Nitong Pebrero ay inanunsiyo ng 74-anyos na si Osbourne na hihinto na ito sa pagtanghal sa mga show.
Magugunitang nagkaroon siya ng injury sa spine matapos na maaksidente noong nakaraang apat na taon.
Dahil sa aksidente ay sumailalim siya sa dalawang operasyon.










