CAGAYAN DE ORO CITY – Natukoy na ang grupong responsable sa panghoholdap sa Quality Appliance Plaza sa Jr., Borja Street sa Lungsod ng Cagayan de Oro.

Sinabi ni Cogon Police Station Commander Capt. Tessie Lleva na base sa kuha ng closed circuit television, kanilang nakilala ang isa sa mga suspek na si Archolito Palobon alyas Bingcol.

Si Bingcol ang tumatayong isa sa mga lider ng Ozamiz robbery hold up group.

Ayon kay Lleva, naka-recuit ng mga bagong miyembro ang grupo ni Bingcol kaya naging matagumpay ang panghoholdap na nakakulimbat ng humigit-kumulang P400,000.

Nagpapatuloy pa ang manhunt operation laban kay Bingcol at sa mga kasamahan nito.