oxygen tanks 1
-- Advertisements --

ILOILO CITY – Kinukulang na ang supply ng oxygen tanks sa mga ospital sa Western Visayas.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo Provincial Administrator Atty. Suzette Mamon, sinabi nito na iisa lang ang supplier ng COVID-19 oxygen tanks sa Western Visayas kaya’t limitado lang ang suplay na dumadating sa bawat ospital.

Ayon kay Mamom, nakakabahala na ito dahil patuloy ang pagtaas ng COVID-19 cases sa rehiyon lalo na sa Iloilo.

Dahil dito, nagpapatuloy pa ang paghahanap ng Iloilo Provincial Government ng dagdag na supplier upang bumili ng oxygen tanks na malaking pangangailangan ng mga pasyente na may COVID-19.