-- Advertisements --
image 328

Nangako ang OWWA at iba’t-ibang ahensya ng Pilipinas na magpapaabot ng kinakailangang tulong sa unang batch ng mga Pinoy na nakauwi sa bansa mula sa Israel.

Malugod na tinanggap ng Overseas Workers Welfare Administration ang 16 overseas Filipino workers kabilang ang isang isang buwang gulang na sanggol na dumating sa Pilipinas mula sa Israel kahapon.

Ang mga indibidwal ay ang unang batch ng mga repatriated OFWs kasunod ng pag-atake ng Hamas sa Israel.

Ayon sa Department of Migrant Workers, sinalubong ang mga OFW ni Philippine Ambassador to the United Arab Emirates Alfonso Ferdinand Ver nang dumaan sila sa Abu Dhabi International Airport mula sa Israel.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa pa rin ang pamahalaan ng pakikipag-ugnayan sa iba pang mga OFW upang tuluyan na silang mapauwi sa Pilipinas sa gitna ng nagpapatuloy na sigalot sa pagitan ng Israel at ng Hamas.