-- Advertisements --

May bagong programa ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na pagpapautang sa mga overseas Filipino workers (OFW) para sila ay makapagsimula ng negosyo sa bansa.

Ang Enterprise Development and Loan Program ay naglalayon na masuportahan ang mga OFW na mabigyan ng negosyo ang mga naiiwan nilang pamilya sa bansa.

Maaring makautan ng P100,000 hanggang P2-milyon ang mga individual borrower habang hanggang P5 milyon naman para sa mga group borrowers na tinatawag.

Ilan sa mga requirements ay kailangan nay maging miyembro sila ng OWWA, aktibo man o hindi at natakumpleto na ang Enhanced Entrepreneurial Development Training (EEDT).

Papayagang makapag-apply dito ang asawa ng OFW, mga OFW na nagtatrabaho sa abroad, balo ng OFW o mga nahiwalay sa asawa.

Kapag walang asawa ang OFW ay maari ang kaniyang magulang na hindi lalagpas ng 60 ang edad o anak ng OFW na may edad 18 pataas.