-- Advertisements --

Inaprubahan ng board of trustees ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang isang resolusyon para sa pagbuo ng flagship program para sa proteksyon at welfare ng mga anak ng mga Filipino Overseas workers (OFWs).

Ito ay matapos na sabihin ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople na nais ni Pangulong Bongbong Marcos na mapabuti pa ang buhay ng mga OFWs at ng kanilang pamilya sa ilalim ng kaniyang administrasyon.

Auon sa OWWA, ang pagtatag ng OFW Children’s Circle (OCC) ay makakatulong para maipakita ang malikhaing kakayahan at talento ng mga anak ng mga OFWs, mapahusay ang kanilang social skills, nahasa ang kanilang coping mechanisms at mapayabong pa ang kanilang awareess sa youth-centered at civic advocacies gaya sa climate change, sa environment , values orientation, digital literacy at substance abuse.

Makakatulong din ang natutang programa para maging potential leaaders at mahikayat ang kanilang partisipasyon sa policy at program development.

Nasa kabuuang P15 million ang inilaan ng OWWA Board of trustees para sa inisyal na implementasyon ng programa saklaw dito ang kanilang operational at admisnitrative expenses.

Inisyal na ipapatupad ang OCC sa regional welfare offices ng OWWA sa NCR, ilocos region, calabarzon , central Visayas at Davao region.