Muling hihingi ng karagdagang pondo ang Overseas Workers Welfare Association (OWWA) para magamit sa kanilang repatriation program sa mga Pilipinong manggagawa na stranded sa ibang bansa.
Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac,tatlong buwan na lamang tatagal ang kanilang kasalukuyang pondo, at mas marami pa ang kakailanganin nila lalo pa at marami pang Pilipinong manggagawa ang inaasahang uuwi ng Pilipinas.
Ito ay bukod pa sa P5.2 billion na karagdagang ponod na ipinagkaloob ng Department of Budget and Management (DBM) sa OWWA noong lang nakaraang buwan, kasunod na rin ng apela ni Labor Secretary Silvestre Bello III.
Ayon kay Cacdac, nasa 612,000 overseas Filipino workers na stranded sa ibang bansa ang na-repatriate mula noong Mayo 2020.
Ang kanilang swab testing, flight tickets at quarantines sa bansa ay sinasagot ng OWWA.