-- Advertisements --
image 288

Nakipagtulongan ang Office of the Vice President (OVP) sa Department of Education para sa isang linggong nationwide school maintenance program para paghandaan ang opisyal na pagsisimula ng klase sa August 29 ng kasalukuyang taon.

Ang mga naturang ahensya na parehong pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte, ay nagtulongan para sa Brigada Eskwela 2023, na isasagawa mula Agosto 14 hanggang 19.

Ayon sa office of the Vice President, lalahok sa aktibidad ang sampung satellite offices nito sa Dagupan, Isabela, Region 5, Cebu, Bacolod, Tacloban, Davao, Surigao, Zamboanga, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa Lunes, Agosto 14, nakatakdang tumulong ang Office of the Vice President sa pagpapanatili ng East Central Integrated School sa Dagupan; Cauayan South Central School sa Isabela; Gogon Central Elementary School sa Legazpi; Labagon Elementary School sa Cebu; St. Francis Elementary School sa Tacloban; Victoria Elementary School sa Surigao; at Salum Elementary School sa Zamboanga.

Tutulong din ang Satellite Office sa Davao sa paghahanda sa Governor Vicente Duterte National High School sa Martes, Agosto 15.