-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Itinanggi ni Felix delos Santos, Jr., Chief Tourism Operations Officer ng Malay Tourism Office na overpriced ang ginawang pagtirintas sa buhok ng isang dayuhang turista sa Isla ng Boracay.

Ito aniya ay kasunod ng isinagawang imbestigasyon kasama ang Malay Boracay Vendors, Peddlers, Masseurs, Manicurist and Hair Braiders Association, Inc. matapos mag-trending sa social media ang post ng isang manager ng hotel, kun saan inabot ng P16,000 ang hair braiding sa anak ng isa sa kanilang guest.

Nilinaw ni delos Santos na nagkaroon ng service agreement ang mga magulang ng customer at mga nagtirintas sa buhok ng kanilang anak.
Nasa tatlong katao aniya ang nag-braid sa mahabang buhok ng kliyente na tumagal ng nasa apat hanggang limang oras matapos na mag-request ng special design ng hair braiding.

Dagdag pa nito na hindi sila maaring mag-overprice dahil sa sinusunod na taripa.