Pinag-aaralan na rin ng Department of Justice (DoJ) at iba pang opisyal ng gobyerno ang posibleng outside court resolution laban sa dalawang water concessionaires na Maynilad at Manila Water.
Ayon kay DoJ spokesperson Undersecretary Markk Perete, nagkasundo na silang mag-usap ukol sa pagresolba sa ilang kontrobersyal na probisyon na magiging dehado ang publiko at gobyerno.
Maaari din umano nilang idaan sa korte ang isyu, ngunit kung mabibigo sa pag-uusap, hindi malayong tapusin ang bagay na ito sa labas ng hukuman.
Una rito, ikinagalit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-oobliga ng international tribunal sa Philippine government na magbayad sa Maynilad at Water Services Inc. ng P3.424 billion bilang revenue losses dahil sa mga hindi naipatupad na pagtataas ng singil sa kanilang consumers.