-- Advertisements --
Bumisita sa Ukraine si outgoing United Kingdom Prime Minister Boris Johnson.
Isinabay ni Johnson ang pagbisita sa 31st Independence Day ng Ukraine.
Sa kaniyang mensahe ay sinabi ni Johnson na magwawagi ang Ukraine laban sa Russia.
Kasabay din nito ay inanunsiyo niya ang pagbibigay ng 200 drones para magkaroon ng improvements ang Ukraine sa knailang long range surveillance at defense targeting.
Kabilang din dito ang pagbibigay ng 850 micro-drones.
Ito na ang pangatlong pagbisita ni Johnson sa Ukraine kung saan inanunsiyo niya ang pagbibigay din ng UK ng 54 million pounds o katumbas ng mahigit P3.5-bilyon.
Nakipagpulong din si Johnson kay Ukrainian President Volodomyr Zelensky.