-- Advertisements --

Itinurn-over na ni outgoing Korean Ambassador Han Dong-man kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., ang in-kind donations mula South Korea para sa Pilipinas.

Binubuo ito ng 17,6664 COVID-19 diagnostic kits, isang set ng PCR at DNA extraction equipment, at 300 set ng personal protective equipment (PPE) na tinatayang aabot ng P24.5 million.

Ang donasyon na ito ay kabilang sa P245 million pledge ng assistance mula Korea para sa 10 ASEAN member states.

Personal na dumalo sa turnover ceremony sina National Task Force for Covid-19 spokesperson Maj. Gen. Restituto Padilla, Department of Health Undersecretary Carolina Vidal-Taiño, Foreign Affairs Assistant Secretary for Asean Affairs Junever Mahilum-West, Office of Civil Defense Assistant Secretary Hernando Caraig Jr., at Foreign Affairs Executive Director for Asian and Pacific Affairs Josel Ignacio.

Nagbigay din ng donasyon ang Korean Community Association na nagkakahalaga ng P150,000 at P98,000 na halaga ng medical kits para naman sa International Bazaar Foundation (IBF).