-- Advertisements --

Kinokonsidera na raw ni outgoing President Donald Trump na gumawa ng kaniyang sariling social media platform matapos suspendihin ng Twitter ang kaniyang account dahil sa nangyaring kaguluhan sa Capitol Hill.

Naka-block na rin ito mula sa pagpo-post sa kaniyang Facebook at Instagram account hanggang sa matapos ang kaniyang termino.

Ayon kay Trump, matagal na raw niyang sinasabi ang ginagawa ng Twitter na harangin ang free speech para sa lahat kung saan dumating pa sa punto na nakipagtulungan ang mga empleyado ng nasabing social media site sa Democrats at mga makakaliwang grupo para patahimikin siya.

Kung wala hindi naman daw kasi nag-eexist ang Section 230 sa batas ng Estados Unidos ay hindi magkakaroon ng mga ganitong social media platforms.

Patutsada pa ng Republican president, matagal na raw niyang nahulaan na gagawin ito sa kaniya kung kaya’t naiisip na rin ng kaniyang kampo na makipag-uganayan sa iba pang platform upang ipahayag pa rin ang kaniyang sarili.