Hinatulang ‘GUILTY’ ng Office of the Ombudsman si outgoing Cebu Governor Gwen Garcia sa inilabas nitong resolusyon.
Kung saan inisyu ng Ombudsman ang desisyon at hatol nitong ‘guilty of indirect contempt’ sa naturang gobernador ng lalawigan ng Cebu matapos bigong sundin ang direktiba nito.
HIndi umano sinunod ni Cebu Governor Gwen Garcia ang inilabas na preventive suspension order laban sa kanya noon pang buwan ng Abril sa kasalukuyang taon.
Kaugnay ito sa kanyang pagiging sangkot sa kwestiyonableng pag-grant sa isang construction firm habang kulang ang environment clearance nito.
Kaya’t ang Office of the Ombudsman ay sinuspinde si Governor Garcia ng ilang buwan para bigyang daan ang pagsasagawa ng imbestigasyon hinggil rito.
Ngunit tumangging sumunod ang naturang gobernador at sa halip ay kinuwestyon ang ‘timing’ sa pagsuspinde sa kanya na inisyu, dalawang linggo bago ang nagdaang eleksyon.
Kaya naman dahil dito’y naglabas na ng desisyon ang Ombudsman at hinatulang guilty of indirect contempt si Cebu Gov. Garcia.
Kasabay din nito ang pagpapataw ng multang nagkakahalaga ng 30,000 Pesos na maari niya namang bayaran sa tanggapan ng Ombudsman.