-- Advertisements --
Inamin ng pamunuan ng San Lazaro Hospital sa Maynila na kinakapos sila ngayon sa bakuna, makaraang magpaturok ang higit sa kanilang inaasahan.
Ayon kay San Lazaro Hospital (SLH) Spokesman Ferdinand De Guzman, nasa 300 doses lamang ng coronavac ang inilaan para sa kanila, ngunit higit pa rito ang bilang ng gustong mabakunahan.
Nabatid na ang naturang pagamutan ay tertiary referral hospital for infectious diseases, kaya kailangang protektado ang kanilang mga personnel.
Isa sa nakikitang paraan para maresolba ang kakulangan sa bakuna ay i-divert na lamang ang supply mula sa mga pagamutang kakaunti ang nag-avail ng Sinovac vaccine.