-- Advertisements --

Maglalaan ng ilang minuto na katahimikan ang Academy Awards o Oscars Awards para sa mga biktima ng kaguluhan sa Ukraine.

Sinabi ni Will Packer ang producers ng sikat na movie award body sa Hollywood na kahit na gusto nila ng magkaroon ng kasiyahan sa nasaibng ceremony ay hindi pa rin nila kakalimutan ang mga nagaganap na kaguluhan sa ibang bansa.

Nauna rito sinabi ng co-host ng awarding ceremony na si Amy Schumer na nais nilang imbitahan si Ukrainian President Volodymyr Zelensky subalit hindi naman ito kinumpirma ni Packer dahil inaayos lamang nila ang nasabing panukala.

Magaganap ang nasabing Oscars Awards sa darating na Marso 28 na ang magiging host ng show ay ang komedyanteng si Wanda Sykes.